Thursday, March 3


pagod na ako.

and the sleep won't kill it, haaay...

had to wake up to cram a paper. Sakit na ng ulo koh!! I was sleeping from 3-10pm and woke up to find out na wala nang food. So sakit na rin ng tiyan ko. :D I've had it with plates. And profs.
oh well.

---

Kama

Matapos ang kanyang paglisan, naging larawan ng katahimikan ang kaliwang bahagi ng kama; ang dating kanlungan ng kanyang mainit na katawan ay mistula nang patay na paraiso.

Sinubukan niyang tumawag, sumulat sa nawalang tipak sa kanyang buhay; bawat liham patungkol sa kanyang mga walang hanggang gabi, sa tabi ng himlayang iniwan ng kanyang mahal.

Kailanman ay hindi ito sumagot.

“Anong kawalan…” bulong niya sa sarili habang nakatitig sa kamang kanilang pinagsaluhan.

Sa wakas, isang araw ay napagod siya sa kahihintay. “Tama na” at tumindig ito mula sa matagal na pagkakabagsak. “Tapos na tayo.” Pasigurado pa sa sarili.

---

Madaling tumagos sa gitna ng kama ang lagari. Ang mahirap ay ang pagkakabit ng mga bagong paa.