Thursday, June 2


thursday.

Naalala ko,
nung bata pa tayo:

habulan sa ulan,
habang ating tinatapakan
ang mga gasolinang bahaghari-

Walang pasubali.
paulit ulit na binubuo
ang mga bankang papel sa baha

(Para bang hindi pa rin batid
na paulit ulit ding tutupukin ng tubig
ang blu-red-blue lines ng lusaw na pad paper)

Tulad ng pagsasamahang
paulit ulit na binubuo

nagbubulag-bulagan lamang
sa makailang ulit na pagtupok ng panahon

nalimot na kaibigan
nalusaw na pagibig

Sabik na makapiling
black-en-white kong alaala

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Home