Friday, September 16


fairview-dhalia

Masyadong mahaba ang biyaheng pauwi,
mula Philcoa hanggang Fairview ay naisip ko na
ng makailang ulit ang mga bagay bagay.

Tulad ng pagpasada ng mga dyip sa kahabaan ng commonwealth ang
daloy ng mga tula sa aking isipan.

Gaya ng, "akala ko noon, na ang bumbilya ay mga alitaptap
na nakakulong sa garapon."

Mangyaring ang mga tulang pira-pirasong pinagtagpi
ay naglalaho din naman
sa aking pagbaba sa tapat ng caltex.

Kung bakit di na lamang sa aking pagkakaupo sa mesa
sumabay ang lukso ng alaala.
(kaharap ng papel na hindi marungisan.)

Kung bakit kasi ayaw tumakbo ng isipan
hangga't hindi umiikot ang gulong ng sasakyan.

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Home